Calamity loan sa Abra quake victims, alok ng PAGIBIG

Calamity loan sa Abra quake victims, alok ng PAGIBIG

July 29, 2022 @ 10:24 AM 1 week ago


(Photo courtesy: Philippine Red Cross FB page)

MANILA, Philippines – Iniaalok ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ang calamity loan program para sa mga naging biktima ng magnitude 7 na paglindol na tumama sa Northern Luzon.

Sa isang kalatas, sinabi ng Pag-IBIG Fund na ang ahensiya ay “extends calamity loans to members affected by calamities, such as earthquakes.”

“The loanable amount is up to 80% of the member’s savings with the lowest interest rate of 5.95%,” anito.

Gayunpaman, sinabi ng Pag-IBIG Fund na ang kanilang guidelines ay nangangailangan ng declaration of calamity mula sa local government unit (LGU) bago pa maging available ang loan facility.

Sinabi pa ng Pag-IBIG Fund na “members can opt to file a calamity loan, which will then be processed upon issuance of such [a] declaration, or members may opt to file a Multi-Purpose Loan.”

“Members may file their loan applications online, via Virtual Pag-IBIG,” dagdag na pahayag ng Pag-IBIG Fund sabay sabing “For those who choose to submit their loan applications physically, we have deployed the Lingkod Pag-IBIG on Wheels (our mobile physical branch) in Abra and this is stationed near the Bangued Cathedral.” Kris Jose