Calibrated importation ng sibuyas target ng pamahalaan

Calibrated importation ng sibuyas target ng pamahalaan

January 15, 2023 @ 11:02 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Planong ipatupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang calibrated importation ng sibuyas upang maprotektahan ang mga lokal na magsasaka sa panahon ng harvest season.

“Pagdating naman po doon sa mini-mention ninyo tungkol sa importation, iyong harvest po na ini-expect natin sa ating magsasaka, iyan po ay taken into consideration by both the Bureau of Plant Industry (BPI) on the high-value crop… it’s a bureau, and our unit [is] in charge of that certain commodity,” sinabi ni Agriculture Department Assistant Secretary Kristine Evangelista sa isang briefing.

“So a calibrated importation was something they had to look into… As of now, we are waiting for reports kung ilan po ang nag-apply and at the same time I don’t know if you noticed, mayroon pong cut-off iyong ating importation unlike before,” dagdag niya.

Ani Evangelista, ang farmgate price ng sibuyas ay bumaba na sa P250 kada kilo na matatandaang noong Disyembre, ang presyo nito ay umakyat ng hanggang P700 kada kilo sa mga pamilihan.

“But this is something that we have to validate because it might just be in one area, but so far, from the reports I am receiving from the farmers themselves, and even some institutional buyers, there has been already a decline pagdating po sa farmgate price,” saad naman sa pahayag ng Palasyo.

Samantala, sa daily monitoring ng DA sa 13 pamilihan sa Metro Manila, naglalaro sa P400 hanggang P550 ang retail price ng sibuyas.

“Mataas pa rin po iyan considering the cost structure of the onions, this is the production cost because we also talk to our farmers to find out how much it costs to produce onions.” RNT/JGC