Calida nagbabala sa mga manloloko sa COA

Calida nagbabala sa mga manloloko sa COA

July 5, 2022 @ 8:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagbabala si ang bagong Commission on Audit (COA) chairman na si Jose Calida nitong Lunes sa mga opisyal at empleyado ng ahensya na sangkot sa mga iligal na aktibidad na maaari itong maging sanhi ng kanilang pagkakasibak sa pwesto.

“COA auditors should correctly scrutinize and carefully inspect accounts. But be careful. I’m warning anybody in COA that if there are shenanigans and mischievous activities, I will boot them out. Do you understand that?” pahayag ni Calida.

“But those who are earnest in their works, they will remain in this office,” dagdag niya.

Binaggit din ni Calida ang mga kasong naipanalo niya bilang Solicitor General sa ilalim ng Duterte administration.

“During my stint, I won all cases filed in the Supreme Court. As your chairman, I will reward our valiant COA officials and those who work hard,” aniya.

“However, if our enemies will fight against us, we will win. Where I came from the mantra which we invoke is ‘win win, win, win’,” patuloy ni Calida.

Siniguro rin niya na babantayan ng COA ang public funds. RNT/SA