Californian makukulong habambuhay sa sekswal na pang-aabuso sa Pinoy minors

Californian makukulong habambuhay sa sekswal na pang-aabuso sa Pinoy minors

October 25, 2022 @ 7:09 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isang lalaki mula sa South Bay in California ang nasenstensiyahan ng habambuhay na pagkakakulong na “without parole” matapos aminin ang pag-produce sa libo-libong malalaswang imahe at video ng halos videos ng halos tatlong dosenang mga bata.

Sa sentencing memorandum, inihayag ng prosecutors na sinamantala ng 52-anyos na si Billy Edward Frederick ang “young boys in the Philippines in need of money for food and school.”

Ayon sa prosecutors, nakipag-usap ang suspek sa mga lalaking Pilipino sa Google Chat. Aniya, ang mga pakikipag-usap niya sa kanyang mga biktima “were not coded; they were explicit and lurid – brimming with details regarding what defendant liked, demanded, and expected from his victims, should they wish to be paid.”

Inamin ni Frederick ang paggawa ng mahigit 5,000 larawan at videos ng child pornography kung saan nabiktima ang 35 mga bata. Makikita sa ilang videos at mga imahe na mayroong mga 12-anyos pababa na ginagamit para sa mga malalaswang gawain.

Isa sa mga biktima ang sekswal na inabuso sa loob ng mahigit dalawang taon, batay sa memo.

Bukod sa  life sentence, ipinag-utos din ni Judge Dale Fischer kay Frederick na magbayad ng $5,000 sa Justice for Victims of Trafficking Act of 2015; $5,000 sa Amy, Vicky, and Andy Child Pornography Victim Assistance Act of 2018; at $8,000 bayad-danyos sa isa sa mga biktima.

Naaresto si Frederick, mula Redondo Beach California, noong Hulyo 2021 at nag-plead ng guilty noong Setyembre sa parehong taon. RNT/SA