Calixto-Rubiano nangunguna pa rin sa pagka-alkalde sa Pasay – survey

Calixto-Rubiano nangunguna pa rin sa pagka-alkalde sa Pasay – survey

April 4, 2022 @ 11:16 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Patuloy na nangunguna sa survey ng Social Weather Stations Inc. (SWS) si re-electionist Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na siyang pinipili ng mga residente na manatiling magsilibi bilang alkalde ng lungsod.

Sa survey ng SWS ay nakakuha ng 83 porsyento si Calixto-Rubiano laban sa katunggali niyang sina Edward Togonon na mayroong 8 porsyento habang si dating City Councilor Richard Advincula ay nakakuha naman ng 7 porsyento.

Napag-alaman na ang walang kapagurang pagseserbisyo sa kanyang konstituwente sa loob ng nakaraang tatlong taon ang naging dahilan kung bakit mas ginusto ng mga residente na ipagpatuloy ni Calixto-Rubiano ang kanyang pagsisilbi bilang punong ehekutibo ng lungsod.

Sa kanyang tatlong taong pagsisilbi sa lungsod ay patuloy ang pagiging aktibo ni Calixto-Rubiano sa implementasyon ng kanyang mga programa tungkol sa pabahay at healthcare; edukasyon, economic growth at environment; livelihood at lifestyle; gayundin sa peace and order.

Sa kaparehong SWS survey ay nakakuha ng 77 porsyento bilang vice-mayor si Ding Del Rosario na kapartido ni Calixto-Rubiano habang ang ka-tandem ni Advincula na dating city administrator sa administrasyon ni dating Mayor Wenceslao “Peewee” Trinidad at tumatakbo rin bilang bise-alkalde na si Atty. Tina Bernabe-Carvajal ay nakakuha naman ng 13 porsyento.

Sa labanan naman ng pagkakongresista ay nakapagtala si incumbent Congressman Tony Calixto ng 87 porsyento laban sa kanyang katunggaling si Choy Alas na kapartido din ni Advincula.

Nito lamang nakaraang Sabado (Abril 2) ay isinagawa ng “Team Calixto Forever” ang isang motorcade na mainit namang tinanggap ng kanilang mga supporters sa lungsod. James I. Catapusan