Call center agent, drayber, welder nadakma sa P13K tobats

Call center agent, drayber, welder nadakma sa P13K tobats

February 15, 2023 @ 1:25 PM 1 month ago


BULACAN – Arestado ang tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang 26-anyos na babaeng call center agent sa isang apartment sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang mga suspek na sina Rhoda May Cortez, live-in partner, Vincent Caluza, 29, driver at David Macapagal, 37, welder kapwa residente ng Novaliches, Quezon City.

Sa report ni SJDM Acting chief of police PLt. Col. Ronaldo Lumactod Jr, ikinasa ang operasyon bandang 1:30 ng madaling araw nitong Pebrero 15 sa isang apartment sa Brgy. Gumaoc West, SJDM.

Ayon sa report, nabilhan si Vincent ng sachet na hinihinalang shabu sa halagang P500 ng poseur buyer habang nahulihan din ng droga ang dalawa kaya sila inaresto.

Nakumpiska sa operasyon ang anim na maliit na sachets na hinihinalang shabu kabilang ang buy-bust item na may estimated weight 2.2 gramo na nagkakahalagang P13,600 at marked money. Dick Mirasol III