Call center agent tinodas ng ex-boyfriend sa motel

Call center agent tinodas ng ex-boyfriend sa motel

July 28, 2020 @ 7:51 PM 6 days ago

Share

Laguna – Bangkay na nang matagpuan ang isang babaeng call center agent sa loob ng isang motel, hinihinalang pinatay sa sakal sa pamamagitan ng kumot ng kanyang ex-boyfriend sa national road sa Brgy. Canlalay sa Lungsod ng Binan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ma. Crisanta Magadia y Gumulon, 27, dalaga, naninirahan sa San Pedro City.

Ang suspek sa krimen na patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ay kinilalang si Roscoe Alve y Magaling, residente ng Canumay West, Valenzuela City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Binan City Police, base sa salaysay ng room attendant ng Q18 Hotel, ganap na 6:10 ng gabi ay magkasamang nag-check-in sa motel ang biktima at ang suspek.

Nabatid na dakong12:47 ng madaling-araw, nakita sa video recorded footage o CCTV ng motel ay nagsosolong umalis ang suspek tangay ang shoulder bag ng biktima.

Hindi na bumalik ang suspek hanggang matapos ang 12 oras na hotel room service hanggang sa natagpuan na lang ang biktima na wala nang buhay.

Sa pamamagitan ng ina ng biktima na si Julita Magadia ay nakilala si Alve na ex-boyfriend ng kanyang anak.

Nakatakdang sampahan ng kaso ang suspek.  Ellen Apostol

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...