OOPS, bigyan natin ng daan ang isa na namang opinyon at komento ng isa sa mga suki natin kaugnay sa kanyang napupunang makupad at mabagal na pagtatrabaho ng F.F. Cruz Construction Inc. sa mga proyekto na ibinigay rito ng Department of Public Works and Highways.
Sa lahat daw ng construction firms, ito yata ang pinakamakupad at pinakamabagal na gumawa dahil inaabot ng siyam-siyam bago ang completion ng proyekto (mabuti kung magagawa agad).
Basahin natin:
Calling DPWH, especially Sec. Mark Villar, one year ban from participating in all gov’t projects ang dapat na ipataw sa mga private construction firm gaya ng F.F. Cruz na sobrang delayed sa completion ng proyekto.
Napakagrabe ng traffic sa Coastal Road Parañaque na papuntang Cavite dahil sa sobrang bagal ng trabaho ng F.F. Cruz. Sobra ring nakapeperwisyo ito sa mga bumibyahe pauwi sa kani-kanilang tahanan. Kahit anong oras, araw man o gabi riyan sa papuntang Cavite ay parusa (naknang putsabung naman). Maawa naman kayo sa aming mga nagbabayad ng tax na ipinambabayad sa inyo!
Ang flyover sa Coastal Road Parañaque ang ginagawa ng F.F. Cruz. May completion date na March 2018 ang proyekto pero hanggang ngayon pa petik-petik pa rin sila at konti lang ang nagtatrabaho.
PARUSA ANG TRAFFIC! Mabuti sigurong kalahati na lang ng kontrata ang ibayad sa kanila sa laki ng naaksayang gasolina at oras! From Liza Santos.
BAGUIO PUGAD NG PASUGALAN
Sa Baguio City pa rin, dinededma lamang ni Mayor Mauricio DOMOGAN ang mga nagkalat na iligal na pasugalan na drop ball nina Oldak sa Otic Street, Kap. Biagtan at alias Nestor sa Kayang Street at isang alias Budha sa slaugther, Brgy. Sto. Niño, Baguio City.
Wala yatang pakiramdam itong si mayor.
o0o
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juande[email protected] o juan[email protected]. – JUAN DE SABOG