Caloocan binisita ng US 2nd Gentleman, USAID

Caloocan binisita ng US 2nd Gentleman, USAID

November 21, 2022 @ 3:40 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Binisita ni United States of America Second Gentleman Douglas Emhoff, kasama ang mga kinatawan mula sa United States Agency for International Development (USAID) at Department of Health (DOH) Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang Caloocan City.

Sinaksihan nina Emhoff at Vergeire ang pagpapatibay ng mga programa ng pamahalaan katuwang ang USAID ukol sa ligtas na balik-eskwela sa Gregoria De Jesus Elementary School.

Nagpapasalamat ang pamahalaang lungsod sa tulong at donasyon ng Estados Unidos at USAID para sa pagpapaigting ng laban kontra pandemya at tuberculosis sa lungsod ng Caloocan.

Ayon sa City Hall, simula pa lang ito ng tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang organisasyon para sa kabataan ng lungsod, tungo sa kanilang maayos na edukasyon, kalusugan at kinabukasan. Merly Iral