CALOOCAN CITY MAYOR’S 1st 100 DAYS

CALOOCAN CITY MAYOR’S 1st 100 DAYS

October 15, 2022 @ 1:56 AM 1 month ago


PAGKATAPOS nang May 9 elections, muling humarap sa mga “Batang Kankaloo” si Mayor Gonzalo Dale “Along” Malapitan noong nakaraang sabado, Oktubre 8.

Kung noon ay plataporma de gobyerno ang tema ng usapan – ngayon ay nag-ulat sa taumbayan ang butihing alkalde hinggil sa kanyang mga nagawa sa first 100 days ng panunungkulan.

Naging highlight ng kanyang state of the city address ang mabilis na pagsasabatas ng ordinance no. 0984 na magbibigay ng P500 monthly cash gift sa senior citizens.

Ganoon din ang mahigit 10,000 Job opportunities para sa mga residente ng Caloocan bilang bahagi ng government’s recovery program sa pamamagitan ng local recruitment activities.

Sa pamamagitan ng agresibo at tuloy- tuloy na pagsasagawa ng mega job fairs at free training programs, mahigit 5,000 na batang Caloocan ang nagkaroon ng trabaho sa nakaraang tatlong buwan.

Sa bisa rin ng mahigpit na pakikipagtulungan sa Caloocan City Police Station, umabot sa 1,400 na kriminal ang naaresto alinsunod sa ‘marching order’ niya sa pulisya na linisin ang lungsod sa ‘wanted felons’.

Masaya rin niyang ibinahagi ang pagsisimula sa construction ng walong rescue stations, digitalization ng records ng seniors at QR code para sa Persons with disability IDs, introduction ng online payment portal in partnership sa Gcash, opening ng dalawang health centers sa barangay 176 at dalawang business one- stop-shop sa city malls to extend government services.

“Maikling panahon man ang isang daang araw para sa lahat ng ating mga ipinangako at nais gawin, naging masigasig tayo sa pagtupad ng ating tungkulin,” pahayag ni Malapitan.

“Gone are the days when platforms remain as platforms after the elections. We are here to make things happen. Alam kong makakaya nating ibigay ang serbisyong may aksiyon at malasakit sa ating mga kababayan para sa lalong pag- unlad ng ating makasaysayang lungsod,” dagdag pa ng batang alkalde.

Aniya, nakalatag na sa drawing table ang iba’t ibang proyektong nais isakatuparan ng kanyang administration – dalawa rito ay ang pagtatayo ng new Caloocan City Hall sa North Caloocan at Caloocan Business Center na naglalayong pagsamasamahin ang lahat ng government agencies sa iisang lugar.

Kung pagbabasehan ang mga naging accomplishment sa kanyang unang 100 araw sa puwesto, si Mayor Along ay isang lingkod bayan na lumalarawan sa kasabihang “a public servant who walk the talk.”