Caloocan to Makati line ng PNR, muling bubuksan!

Caloocan to Makati line ng PNR, muling bubuksan!

July 31, 2018 @ 11:44 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Makalipas ang 20 taon, muling bubuksan ang Caloocan to Dela Rosa Makati line ng Philippine National Railways (PNR), ayon sa Department of Transportation.

Nakatakda ng soft opening nito bukas, August 1, na mayroong minimum fare na P15, ayon pa sa Facebook Page ng DoTr.

Ang initial run ay titigil sa mga sumusunod na istasyon: 10th Avenue, 5th Avenue, Solis, Blumentritt, Espana, Sta. Mesa and Dela Rosa, ayon sa PNR.

“It will be the fastest and most cost efficient means of transportation from Caloocan to Makati with running time of 37 minutes,” sabi ng PNR. Remate News Team