Calum Scott, babalik sa bansa sa October

Calum Scott, babalik sa bansa sa October

June 20, 2018 @ 2:26 PM 4 years ago


Inanunsyo kamakailan ang pagbabalik sa bansa ni English crooner Calum Scott para sa isang concert sa October.

Ito ay makalipas pa lang ng ilang buwan ng siya ay pumunta ng Pilipinas para mag-promote ng kaniyang album na “Only Human.”

Ang concert ni alum ay parte ng kaniyang “Only Human Asia Tour,” na gaganapin sa Kia Theatre sa Cubao sa October 30.

Ang ticket ay nagkakahalaga ng P2,640 at P5,810 na may kasamang VIP and meet-and-greet package na mabibili sa TicketNet.

Si Calum ay nakilala ng siya ay maging finalists sa “Britain’s Got Talent” noong 2015. Sumikat rin siya sa kaniyang cover ng Robyn’s “Dancing On My Own,” na una niyang kinanta sa nasabing talent show.

Umabot sa 270 million views sa youtube ang official music video ng version na ito. Kabilang pa sa kaniyang mga kanta ay ang “You Are The Reason” at “What I Miss Most.” (Remate News Team)