Calvin Abueva, pinakawalan ng Aces

Calvin Abueva, pinakawalan ng Aces

August 7, 2018 @ 5:53 PM 4 years ago


PBA – Pinakawalan ng Alaska Aces ang kanilang star forward na si Calvin Abueva para sa Phoenix Fuel Masters.

Ito ang kinumpirma ni Alaska coach Alex Compton, “we would like to thank Calvin for his 6 years of service with Alaska and the good memories.”

“We felt as a franchise it was best for both Alaska and Calvin to have a fresh start at this time,” dagdag pa nito.

Kapalit nito ay ipadadala naman ng Phoenix ang kanilang 2019 first round draft kasama si Karl Dehesa sa Aces.

Makasasama ni Abueva ang Phoenix coach na si Louie Alas, dating Alaska assistant coach. (Remate News Team)