CAMANAVA, 2 iba pang lungsod sa NCR signal number 4 na

CAMANAVA, 2 iba pang lungsod sa NCR signal number 4 na

September 25, 2022 @ 2:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 4 ang ilang lugar sa Metro Manila ayon sa PAGASA.

Sa 2PM typhoon bulletin para sa Super Typhoon Karding, ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon at Marikina ay inilagay na sa signal number 4.

Ang natitirang lungsod ng Metro Manila ay nananatili sa signal number 3.

Sa huling ulat ng PAGASA, ang sentro ng Super Typhoon Karding ay huling namataan 76 kilometro silangan hilagang silangan ng Infanta, Quezon.

May taglay ito ng lakas ng hangin na 195 kilometro kada oras at pagbugso na 240 kilometro kada oras. RNT/JGC