Camarines Norte niyanig ng M-4.9 quake

Camarines Norte niyanig ng M-4.9 quake

March 14, 2023 @ 6:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Niyanig ng 4.9-magnitude na lindol ang Camarines Norte onitong Lunes ng gabi, base sa earthquake information na ipinalabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Inihayag ng Phivolcs na tumama ang lindol 17 kilometro southeast ng Tinaga Island, Vinzons, Camarines Norte dakong alas-6:24 ng gabi.

Naitala ang ang Intensity III sa Mercedes, Camarines Norte; Sipocot, Camarines Sur; at Polillo, Quezon.

Gayundin, natukoy ang Intensity II sa Iriga City at Ragay sa Camarines Sur at Intensity I sa Guinayangan, Mauban, at Gumaca sa Quezon.

Sinabi ni Phivolcs na tectonic ang lindol, na nangangahulugang dulot ito ng paggalaw ng active fault malapit sa lugar.

Posibleng magdulot ng pinsala ang lindol sa mga bahay, gusali at iba pang imprastraktura, base sa Phivolcs, subalit wala umanong inaasahang aftershock. RNT/SA