Camarines Norte, niyanig ng Magnitude 5.3 na lindol

Camarines Norte, niyanig ng Magnitude 5.3 na lindol

December 7, 2022 @ 1:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Niyanig ng malakas na magnitude 5.3 na lindol ang Camarines Norte na naramdaman sa malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila.

Sa pinakahuling impormasyon mula sa Phivolcs, naitala ang pagyanig 1:05 ng hapon na may sentro silangan ng Tinaga Island, Vinzons ng nasabing probinsya.

Bagama’t nasa Camarines Norte ang sentro ng lindol, naramdaman ito sa malaking bahagi ng Timog Luzon, Bicol Region, Central Luzon at Metro Manila.

May lalim itong 1 kilometro at tectonic in origin.

Narito ang mga sumusunod na instrumental intensities na naitala:

Intensity V – Mercedes, Jose Panganiban, Camarines Norte

Intensity IV – Daet, Camarines Norte; Guinayangan, Polillo, Quezon

Intensity III – Ragay, Pili, Iriga City, Camarines Sur; Mauban, Lopez, Mulanay, Alabat, Gumaca, Quezon

Intensity II – Tabaco, Albay; Dingalan, Aurora; Batangas City, Batangas; Calumpit, Plaridel, Pulilan, Marilao, San Ildefonso, Bulacan; Sagnay, Camarines Sur; Carmona, Cavite; Marikina City, Pasig City, Metro Manila; Gapan City, Nueva Ecija; Pinamalayan, Oriental Mindoro; Guagua, Pampanga; Infanta, Pangasinan; Dolores, Infanta, Calauag, Quezon; Taytay, Tanay, Rizal

Intensity I – Legazpi City, Albay; Bulakan, Santa Maria, Guiguinto, Obando, Malolos City, Pandi, Dona Remedios Trinidad, Bulacan; Tagaytay City, Ternate, Cavite; Candon, Ilocos Sur; Calamba, Los Banos, Laguna; Malabon City, Pasay, Quezon City, Muntinlupa City, San Juan City, Metro Manila; Mapanas, Northern Samar; San Antonio, Gabaldon, Cabanatuan City, Nueva Ecija; Calapan City, Oriental Mindoro; Tayabas, Lucena City, Quezon; Angono, Morong, Antipolo, Cainta, Rizal.

Naitala naman ang Intensity II ng lindol sa Quezon City batay sa reported intensities ng Phivolcs.

Patuloy lamang na i-refresh ang post na ito para sa pinakahuling impormasyon kaugnay ng lindol. RNT/JGC