Camarines Norte Rep. Panotes, pumanaw na

Camarines Norte Rep. Panotes, pumanaw na

April 29, 2022 @ 12:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pumanaw na sa edad na 76 si  Camarines Norte 2nd district Rep. Marisol Panotes.

Ang pagpanaw ni Panotes ay isinapubliko mg kanyang anak na si Rosemarie Panotes sa isang Facebook post.

Wala namang inilabas na iba pang detalye ukol sa pagkamatay ng kongresista, gaya ng sanhi ng pagpanaw.

Ayon naman kay House Assistant Majority Leader Nina Taduran, kaninang 1:01 ng madaling araw namatay si Panotes, batay na rin sa impormasyon mula sa mga kaanak ng mambabatas.

Sa kasalukuyang 18th Congress, si Panotes ay nagsilbing vice chairperson ng House Committee on Disaster Resilience at Committee on Population and Family Relations, at miyembro ng hindi bababa saw along komite sa Kamara.

Samantala, naka-half-mast ngayon ang watawat sa kapitolyo ng Probinsya ng Camarines Norte bilang pagluluksa at pagbibigay-pugay kay Panotes. Gail Mendoza