Cambodia sinimula ang 100 days countdown sa hosting ng 2023 SEA Games

Cambodia sinimula ang 100 days countdown sa hosting ng 2023 SEA Games

January 24, 2023 @ 6:27 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Magsisimula ngayong araw (Enero 25) ang 100 days countdown ng  Cambodia para sa hosting nila ng 2023 Southeast Asian (SEA) Games at ASEA N Para Games.

Ayon kay National Defence chief Tea Banh bilang siya rin ang chairman ng Cambodian SEA Games Organising Committee (CAMSOC), na ang countdown ay maituturing na huling oportunidad nila para sa anumang pagbabago sa biennial events.

Siniguro nito na ang kanilang 14 commissions at sub committees ay fully operational na sa natitirang 100 araw dahil ito ang unang pagkakataon na maging host ang bansa ng nasabing torneo.

Si Prime Minister Hun Sen mismo ang mangunguna sa 100-days countdown kung saan 64 taon ang hinintay ng Cambodia para maging host ng nasabing palaro.JC