Cambodian businesses hinikayat ni PBBM na mamuhunan sa Pinas

Cambodian businesses hinikayat ni PBBM na mamuhunan sa Pinas

November 10, 2022 @ 12:40 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inimbitahan ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga  Cambodian businesses na pumunta ng Pilipinas at mamuhunan sa bansa.

Ito’y bunsod na rin ng patuloy na pagbawi ng buong mundo mula sa pagkakalugmok  dahil sa  corona virus pandemic, binigyang diin ang  “much-improved investment opportunities” sa bansa.

“We would like to invite at the very least, for you, to have a look at the opportunities that are available and finally I supposed at some point, since we are not so far away, to come and we will explain to you exactly what we have done and why we have done it and where we have arrived in that process of transforming the economy,”  ayon kay Pangulong Marcos sa CEO roundtable meeting sa Cambodia.

“I do not talk about recovery of the economy, I talk about transformation of the economy because the new economy is going to be different from everything that we did in 2019. And so this is what we are looking forward to and I hope to see you all in the Philippines soon,” dagdag na wika nito.

Habang ang Philippine economy  ay unti-unti nang nakawawala mula sa  pandemiya, sinabi ng Pangulo na kailangan ng gobyerno ng  katuwang  mula sa pribadong sektor sabay sabing pinalitan ng kanyang administrasyon ang maraming polisiya at pamamaraan pagdating sa  public-private partnerships at maging sa  government-to-government partnerships.

Ang kanyang gobyerno, ani  Pangulong Marcos  ay “working for direct investment into the country to boost its manufacturing sector and make it a significant contributor to the gross domestic product (GDP).”

“The other areas which are the basic economic drivers include the micro, small and medium enterprises (MSMEs), agriculture, and energy, ” ayon sa Punong Ehekutibo.

Ipinagmalaki naman ng Chief Executive ang kamakailan lamang na economic achievements ng Pilipinas partikular na ang pagbaba ng  unemployment rate para sa 3rd  quarter ngayong taon hanggang 5% mula sa 5.6%, 5.7%.

“It looks like the route that we have taken is taking the economy in the right direction and as I was telling some of the Cabinet members, I think the Philippine economy, the important elements are in place and you can feel that our economy is trying to grow but is really being pummeled by the forces outside of which we have no control,”ang sinabi ng Pangulo sa mga Cambodian businessmen. Kris Jose