Cambodian PM Hun Sen sapul ng COVID-19

Cambodian PM Hun Sen sapul ng COVID-19

November 15, 2022 @ 1:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagpositibo si Cambodian Prime Minister Hun Sen sa COVID-19.

Inanunsyo ito ni Hun Sen announced sa kanyang official Facebook page.

Nakipagkita ang Cambodian leader kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. maging sa iba pang regional at world leaders sa ASEAN Summit and Related Summits sa Phnom Penh nitong nakaraang linggo.

Nagkaroon sina Marcos at Hun Sen ng bilateral meeting na layuning palakasin ang relasyon at kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang Palasyo kung sumailalim na ang Pangulo sa COVID-19 test matapos ma-expose sa Cambodian leader.

Nakatakdang magtungo si Marcos sa Thailand ngayong Miyerkules upang lumahok sa APEC 2022. RNT/SA