Camiguin sinakalay ng ASF; pagpasok ng baboy bawal muna

Camiguin sinakalay ng ASF; pagpasok ng baboy bawal muna

July 4, 2022 @ 8:48 AM 1 month ago


CAGAYAN DE ORO CITY – Naglabas ng kautusan ang probinsya ng Camiguin ng pansamantalang pagbabawal na magpapasok ng mga produktong karne ng baboy mula sa labas ng probinsya dahil sa kaso ng African swine fever (ASF).

Sinabi ni Governor Xavier Jesus Romualdo, ang nasabing kautusan ay base sa ipinalabas ng Department of Agriculture-Northern Mindanao (DA-10) na kumpirmadong positibo ang mga karne ng baboy sa nabanggit sa isla sa ASF.

Nanawagan rin si Romualdo sa mga nag-aalaga ng baboy na huwag makisali sa pagpapakain ng swill o pagpapakain ng mga scrap ng pagkain sa halip lalo pa nilang pagtibayin ang hakbang ayon sa biosecurity measures.

“The public is likewise advised that the slaughter of pigs outside of the municipal slaughterhouses is a criminal offense punished under Republic Act 9296, otherwise known as the Meat Inspection Code of the Philippines, as amended by RA No. 10536,” ayon sa panawagan.

Nakasaad sa ilalim ng batas ang pagbabawal magbenta, paglabas, at pag-aalok o pagtanggap para sa pagbebenta o transportasyon sa komersyo ng iligal na pagkatay ng baboy ay maaring maharap sa kasong criminal at kukumpiskahin ang mga iligal na kinatay na baboy.

Ang naturang kautusan at nilagdaan ni DA-10 Executive Director Carlene Collado, kasama ang mga blood specimens na ipinasa sa Provincial Veterinary Office (PVO) at isasailalim sa laboratory tests ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL-10).

Nakapagtala na rin ng 14 na baboy ang namatay sa bayan ng Pandan at Mambajao sa isinagawang imbestigasyon ng PVO nitong June 22.

Nakapagtala rin noong June 30 ng 8 ang nagpositibo sa ASG sa 18 swine blood samples na ipinadala RADDL.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang pag-depopulate ng mga infected na lugar at lahat ng backyard pig farm sa loob ng 500 metro mula sa infected na lugar.

Kaugnay nito , hinimok ni Romualdo ang mga hog raisers sa mga lugar na wala pang kumpirmadong kaso ng ASF sa ngayon na kumuha ng livestock insurance mula sa Philippine Crop Insurance Corporation.

“We call on the public not to panic and engage in the spreading of unverified, misleading, or false information. With ASF now in the province, the swift and immediate containment of the disease is the prime objective of the provincial and municipal governments,” ani pa ni Romualdo./Mary Anne Sapico