Camila Cabello, balik limelight; Collab kay Ed Sheeran, abangan!

Camila Cabello, balik limelight; Collab kay Ed Sheeran, abangan!

February 23, 2022 @ 10:30 AM 4 months ago


Hollywood, USA –  Balik limelight ang Cuban-American Singer Camila Cabello sa limelight matapos ang halos isang taon mula nang mag-release ito ng new music.

Sa kanyang post sa Twitter ay sinabi nito,  “Bam Bam. March 4th with @edsheeran, one of my favorite people and artists ever. Also my bday is the day before so triple win.”

Si Camila ang singer sa likod ng mga hit songs na Havana at Never Be The Same. Ito naman ang pangalawang pagkakataon na makakatrabaho ng singer si Ed Sheeran matapos magkaroon ng collaboration ang dalawa noong 2019 sa kantang “South of The Border” mula sa album ni Ed na “No. 6 Collaborations Project”.

Masaya naman ang fans ni Camila na sa wakas ay magre-release na ng new music ang singer. Paula Jonabelle Ignacio