Camille, napagkamalang beki ang beauty queen!

Camille, napagkamalang beki ang beauty queen!

September 17, 2022 @ 3:48 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Marami ang naaliw sa nakakahiyang experience ni Camille Prats sa Mars Pa More noon. Natanong kasi si Camille ng kanyang most embarrasing moment sa showbiz kaya sinabi niya ang nakakahiyang encounter niya sa beauty queen.

Napagkamalan daw niyang bakla ang beauty queen dahil nagkasabay sila ng isa pang guest sa show, ang beauty queen na Super Sireyna. Mabuti na lang, sa briefing pa lang naganap ang lahat at hindi on cam.

PInansin daw niya ang maliit na boses ng beauty queen na ikinagulat ng kausap. Hiyang-hiya siya dahil huli na nang mapagtanto niya ang kanyang pagkakamali. Lalo na nang makita niya ang mga tao sa paligid na biglang nag-alisan kasama ang kanyang make-up artist.

Mabuti na lang, may naglakas loob na sabihan siya na babae ang kaharap at kausap niya na napagkamalan niyang bakla na super ang ganda.

“Um-exit na lang ako, pero hiyang-hiya ako. At buong episode, hindi ko siya matingnan sa mata sa sobrang hiya ko na napagkamalan ko siyang beki,” throwback ni Camille na hanggang ngayon ay nahihiya pa rin. Gerry Ocampo