Camille, pinagdudahan ang sarili sa acting!

Camille, pinagdudahan ang sarili sa acting!

February 25, 2023 @ 2:51 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Inamin ni Camille Prats na nilukuban siya ng self-doubt o pag-aalinlangan kung marunong pa ba siyang umarte nang alukin ng GMA na maging bahagi ng aabangang teleserye ng network.

Camille plays Rossel, isang inang naghahanap ng kanyang nawalay na anak sa afternoon prime ng GMA na AraBella.

To premiere on March 6, ito ang muling gigising sa nahimlay na dramatic prowess ni Camille who had not been acting for five years.

Nasabak kasi ang aktres sa hosting via GMA’s now-defunct show Mars.

Aminado si Camille na nagkaroon siya ng misgivings in accepting the role, “Kaya ko ba mag-memorize ng mga lines? Kaya ko pa ba magdrama?”

Sa kabila ng kanyang pagdududa sa kanyang kakayahan, Camille says it’s always nice to go back to what she loves the most.

She plays mom to GMA’s drama princesses Shayne Sava and Althea Ablan na aniya’y kaedaran ng kanyang panganay na anak.

Napawi lang ang agam-agam ni Camille nang matiyaga raw siyang gabayan ng direktor nitong si Adolf Alix Jr., “Although in a few scenes, sinasabi niya sa akin na itaas ko pa raw ang level of emotion. Ako naman I was asking myself: ano ba ‘yung mataas na emosyon?”

Bagama’t naitawid niya ang inaasahan ng kanilang direktor, what gave Camille the emotional high the most ay ang tsansang maka-bonding sina Shayne at Althea who she describes as smart, humble and professional.

Kuwento pa ng aktres who’s been in the business for 30 years, “Lagi nga kaming kinagagalitan sa set because we’re all noisy inside our tent. Curious akong malaman what they appreciate the most about life. Wala kaming ginawa kundi magtsikahan at magtawanan!” Ronnie Carrasco III