Campaign rally na walang permit, pwedeng ipahinto ng gobyerno

Campaign rally na walang permit, pwedeng ipahinto ng gobyerno

February 10, 2022 @ 11:01 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Maaaring ipahinto ang mga campaign rally na walang permit, ayon ito sa Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Huwebes.

Sa interbyu sa GMA, sinabi ni DILG spokesperson Jonathan Malaya na ang mga election officer ay awtorisadong pigilan ang mga nasabing aktibidad lalo na kung walang permit ang mga ito.

“Kung wala pong permit ay pwede pong pagbabawalan. Puwede pong mag-utos ang election officer na pigilan ang kahit anumang campaign activity na walang kaukulang permiso,” ani Malaya.

Ang Comelec campaign committees ang inatasang namamahala sa pagbibigay ng mga permit para sa in-person na mga aktibidad sa halalan. Binubuo sila ng isang election officer, city health officer, chief of police, military head, at DILG official.

Nagsimula ang campaign period para sa mga pambansang kandidato para sa 2022 polls noong Martes, Pebrero 8. Ayon sa Philippine National Police, sa generally peaceful ang unang araw ng mga kampanya pero may mga nagawa pa ring paglabag sa health protocol. RNT