CamSur, nagdeklara na ng state of calamity

CamSur, nagdeklara na ng state of calamity

March 21, 2019 @ 12:13 PM 3 years ago


Camarines Sur – Nagdeklara na si Camarines Sur Gov. Miguel “Migs” Villafuerte ngayong Huwebes ng state of calamity dahil sa epektong El Niño sa bukirin ng probinsiya.

 “We decided to declare a state of calamity to hasten livelihood assistance and relief goods to the farmers and residents affected by this natural phenomenon,” ani Villafuerte.

Humingi na rin aniya ng tulong ang provincial government sa Department of Agriculture at national government upang makapagsagawa ng cloud seeding sa probinsiya.

“We have already asked them to conduct cloud seeding to encourage rain, water flow,” ani Villafuerte.

Hinimok naman ni Villafuerte ang mga magsasaka na magtanim muna ng mga gulay na hindi masiyadong nakadepende sa tubig dahil ang kawalan ng ulan ay patuloy pang mararanasan sa bansa.

Nagpapakalat na rin niya ang local na gobyerno ng potable water sa 1,036 barangay sa probinsiya na malalang tinamaan ng El Niño.

Ang Camarines Sur ang pinakamayamang rice-producing province sa Bicol region./Remate News Team