Canada magbibigay ng P519M para sa climate change, Mindanao

Canada magbibigay ng P519M para sa climate change, Mindanao

September 20, 2022 @ 5:13 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Canadian Trade Minister Mary Ng na magbibigay ang Canada  ng  P519 milyon sa Pilipinas para pondohan ang climate change initiatives at isulong ang economic growth sa mga  conflict areas sa rehiyong Mindanao.

Si Ng ay kasalukuyang nasa Maynila para sa kanyang official visit, at inihayag na ang CAD 12-million assistance ay gagamitin para pondohan ang tatlong proyekto na magpapalakas sa climate finance ng bansa, suportahan ang women’s empowerment sa mga  strife-torn areas sa Mindanao at buhayin ang mga komunidad na  apektado  ng armed conflict.

“If countries like Canada and the Philippines work together, we lift each other up by investing in each other’s futures, and our people and our communities benefit,”  ayon kay Ng sa idinaos na press briefing ng Minister of International Trade, Export Promotion, Small Business and Economic Development ng Canada.

“Of this amount, about CAD 4.5 million seeks to accelerate capital flows in green and climate finance to help the Philippines deal with the vulnerabilities that come from climate change,” ayon kay Ng.

“Another CAD 3 million will be earmarked for Mindanao to strengthen the role of women as peace mediators and improve government capacity to deliver policies and programs on conflict prevention and resolution in the Bangsamoro region,” ayon pa rin kay Ng.

Ang natitirang CAD 4.5 million,  ay gagamitin para muling pasiglahin ang  Bangsamoro communities na nilalayon ang “economic growth and ensure peace and stability.”

Si Ng ang unang  senior Canadian government official na bumisita sa Pilipinas noong  2018,  binigyang-diin din ang interes ng Canada na magpapatibay sa economic ties sa bansa.

“My message to the Philippines is that Canada is an enthusiastic collaborator and partner with the Philippines,” ayon kay Ng.

Binigyang-diin pa rin ang bagong partnership framework ng Canada para sa international infrastructure development.

Tinukoy ang polisiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na iprayoridad at palakasin ang  infrastructure investments sa Pilipinas.

Looking forward naman ani Ng ang  Canada na tulungan ang bansa na makapagtayo ng lansangan, tulay at ospital habang lumilikha ng lokal na hanapbuhay.

“For a country as big and populous as the Philippines, reliable and sustainable infrastructure is crucial to future prosperity,” ani Ng.

“As one of the fastest growing economies in Southeast Asia, the Philippines is a “key partner of Canada,” dagdag na pahayag ni Ng.

Aniya pa, “Canada is also looking forward to strengthening its relations in the Indo-Pacific region, where it is separately negotiating for a free trade agreement with the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), a 10-member regional bloc that includes the Philippines.”

Noong nakaraang taon, ang  Philippine-Canada trade ay pumalo sa CAD 2.8 billion, tumaas ng mahigit sa 30% noong taong 2020.

“What this really means in people’s terms is that trade helps create jobs for both our people, opens new doors for small businesses and helps each other grow in their economies, which is so important at this time as we are all recovering from COVID-19,” ayon kay Ng. Kris Jose