Canada nagkasa rin ng diplomatic boycott vs Beijing Olympics

Canada nagkasa rin ng diplomatic boycott vs Beijing Olympics

December 9, 2021 @ 9:57 AM 1 month ago


CANADA – Sumali na rin ang bansang ito sa nagpahayag ng diplomatic boycott laban sa Beijing Olympics kasunod ng Amerika at ng Australia dahil sa kadahilanang paglaban sa human rights ng Tsina.

“As many (of our) partners around the world, we are extremely concerned by the repeated human rights violations by the Chinese government,” ani Prime Minister Justin Trudeau sa isang news conference.

“That is why we are announcing today that we will not be sending any diplomatic representation to the Beijing Olympic and Paralympic Games this winter.”

Sa kabila nito, nilinaw ni Trudeau na makikilahok pa rin naman ang mga Canadian athlete.

Ang anunsyo ni Trudeau ay kasunod ng nauna nang anunsyo ng United States na diplomatic boycott, dahil sa umano’y “genocide” sa Uyghur minority sa Xinjiang region at iba pang human rights abuses.

Nagdeklara rin ang Australia at Britain ng diplomatic protest sa Beijing Olympics. RNT