Canadian na nagpanggap na Pinoy, arestado sa NAIA

Canadian na nagpanggap na Pinoy, arestado sa NAIA

January 21, 2023 @ 11:06 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Naaresto ang isang Canadian sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos magpanggap na Filipino national, ayon sa Bureau of Immigration nitong Biyernes.

“He presented himself as a Filipino. Our Immigration officer po doon sa Terminal 1 had doubts already about his identity dahil noong siya po ay tinanong ng Tagalog or other dialects, hindi po siya makapagsalita ng any language ng Pilipinas,” sabi ni Sandoval.

“Hindi rin po siya makasagot nang tama iyong mga detalye tungkol sa kaniyang identity mismo. So these are basic things na normally alam po ng mga tao. But iyong basic things about his identity, hindi niya po ma-describe or mabanggit po during the interview,” dagdag niya.

Hindi idinetealye ni Sandoval travel details ng indibidwal, subalit aniya ay may dalang Canadian passport, Hong Kong passport, at permanent residence visa sa Pilipinas.

Inamin umano ng Canadian sa panayam na inayos ng abogado kanyang birth certificate at application para sa kanyang Philippine passport.

“So we suspect po that this person acquired his passport by fraudulent means, by misrepresentation,” ani Sandoval.

“So ito po ng kaso niya ay atin pong kinu-coordinate sa mga iba’t iba pong ahensiya para ma-verify po ang identity ng taong ito.” RNT/SA