Canadian national arestado sa panggugulo

Canadian national arestado sa panggugulo

November 14, 2022 @ 6:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Ipatatapon pabalik ng kanilang bansa ang isang barumbado at overstaying Canadian National makaraang arestuhin ito ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) matapos ireklamo ng paninira ng ari-arian sa isang subdibisyon sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang dayuhan na si Andrew Clark Stewart, 62, na inaresto sa loob ng kanyang bahay sa Angeles City, Pampanga dahil sa reklamo ng hindi magandang asal sa loob ng kanilang subdibidyon.

“When our officers approached Stewart, he failed to present a valid passport or any identification card. He was then arrested for being in flagrante undocumented,” paliwanag ni Tansingco.

Dahil dito, si Stewart ay nahaharap sa deportation case dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 194 o overstaying at pagiging undocumented immigrant.

“This should serve as a warning to foreigners who wish to stay in the country. Legalize your stay and behave appropriately or face detention and deportation,” ayon kay Tansingco.

Nakakulong si Stewart sa BI detention center sa Bicutan, Taguig habang nakabinbin ang deportation proceedings. JAY Reyes