Canadian national, patay sa pamamaril; asawang pinay, sugatan

Canadian national, patay sa pamamaril; asawang pinay, sugatan

June 25, 2018 @ 4:50 PM 4 years ago


Batangas City – Patay ang isang Canadian national habang ang asawa nitong pinay ay sugatan makaraan silang pagbabarilin ng dalawang hindi pa tukoy na salarin sa Batangas City linggo ng gabi.

Ayon sa report ng pulisya, alas 8 ng gabi habang nasa labas ng kanilang garahe ang mag-asawa na sina Barry Gamon, 56 at si Luzviminda sa Barangay Tinga Itaas ng lapitan sila ng dalawang lalaki at mabilis silang pinagbabaril.

Isinugod ang mga biktima sa United Doctors of St. Camilius Hospital sa nasabing lungsod subalit namatay din si Gamon bunsod ng ilang tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Napag-alaman na si Gamon, isang retiree ay may sampung taon ng nanunuluyan sa Pilipinas.

Ayon kay Batangas City Police Chief Supt. Sancho Celedio, wala naman umanong record sa kanila ang mag-asawa bukod sa nakaraang alitan sa pagitan nina Gamon at hindi tukoy na suspek dahil sa parking space sa kabilang kalsada ng kanilang bahay.

Ito ngayon umano ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pagpatay kay Gamon at maaaring kilala rin ng babae kung sino ang gumawa ng krimen na maaaring ikalutas ng maaga sa kaso. (Jeff Gallos)