#CancelTropangLOL! trending!

#CancelTropangLOL! trending!

August 12, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Ayan! Nasa hot seat na naman ngayon ang noon-time variety show na “Tropang LOL” nang nag-joke ang hosts at diumano’y naghayag ng insensitive remarks kay  Eunhyuk ng Super Junior and his family’s grief.

FYI, ang ama ni Eunhyuk  ay sumakabilang buhay prior to the group’s scheduled concert in Manila last August 6, 2022. Bukod dito ay tinamaan pa ng COVID-19 ang member na si Siwon kaya nag-decide ang K-pop group na  i-postpone ang kanilang concert at makipag-meet and greet na lang sa fans instead.

Sa isang episode ng “Tropang LOL”, ginamit ng production ang pangyayaring ‘yun sa Super Junior para sa segment na “Maritest”.

The question reads, “Sa mga K-pop fans, sinong boy group ang nag-cancel ng concert recently dahil pumanaw ang ama ng isa sa members?”.

First of all, hindi naman daw cancelled ang concert.  Lahat daw ng ELF (tawag sa fans ng Super Junior) na nasa MOA Arena ay alam na ang concert is only postponed.

The members of Super Junior themselves said that they will make sure to come back in the future as a complete group, and assured fans that their “Super Show 9: Road in Manila” concert is postponed.

So, ayun ang pinagtatalunan. Postponed does not mean cancelled.

According to the dictionary, ang “postpone” means “to out off to a later time”, and the word “cancel” means “to decide not to conduct or perform something planned usually without the expectation of conducting or performing it at a later time”.

Lalo namang na-trigger ang PH ELF nang nag-joke ang hosts about the whole situation of Super Junior and ELFs.

“Akala ko sayang naman, sana binuhay nila ulit,” and “mahilig pa naman si Pooh (player sa maritest) sa mga Super Junior”.

Obviously ay nagalit ang PH ELF at kina-cancel ang programa.

Dahil dito ay nagte-trending tuloy ngayon ang #CancelTropangLOL dahil sa diumano’y insensitivity ng hosts and production staff ng “Tropang LOL”. Joey Sarmiento