Cancer Assistance Fund ipatutupad ng DOH

Cancer Assistance Fund ipatutupad ng DOH

November 14, 2022 @ 2:38 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Bilang bahagi ng National Integrated Cancer Control Act (NICCA) at alinsunod sa Special Provision No. 13 ng inaprubahang badget ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng General Appropriations Act para sa Fiscal Year 2022, ipinatupad ng DOH ang Cancer Assistance Fund (CAF) na naglalayon na magbigay ng suporta para sa mga pasyenteng nabubuhay na may kanser at para sa mga nakaligtas cancer survivors.

Ayon sa DOH, ang implimentasyon ng CAF ay dapat saklaw ang mga outpatient at inpatient services kabilang pero hindi limitado sa diagnostics, therapeutic procedures, medicines, treatment at management services, at iba pang pangangalaga na nauugnay sa cancer.

Ipinatupad ang CAF upang umakma sa umiiral na financial support mechanisms sa publiko at pribadong pasilidad.

Ang walong tukoy na pangunahing uri ng cancer na karapat-dapat na pondohan ng CAP ay ang breast cancer, childhood cancer, gynecologic cancer, liver cancer, adult blood cancers, head and neck cancers, lung cancer, at prostate, renal, at urinary bladder cancers.

Upang makakuha ng CAF, ang pasyente at/o tagapag-alaga ay kailangang magsumite ng mga requirements sa mga natukoy na access site kung saan ang mga serbisyo ng CAF ay available.

Ang mga kinakailangang dokumento ay kabilang ang mga reseta ,treatment protocols,at medical abstracts ay dapat munang sumailalim sa pagsusuri bago ang pag-apruba at pag-avail ng mga serbisyo.

“As part of our efforts towards realizing Universal Health Care, the CAF was developed and implemented to increase the accessibility of specialty cancer care services to many of our kababayans afflicted with this disease. Sa ating mga mga pasyente, lagi ninyong tatandaan na ang Kagawaran ng Kalusugan ay laging handang maghatid ng tulong at serbisyong pangkalusugan sa bawat kababayan natin na apektado ng sakit na ito, saan mang sulok ng bansa,” ani DOH OIC Secretary Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden