Candy, nag-throwback sa fake news!

Candy, nag-throwback sa fake news!

October 14, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


Manila, Philippones – “Wala Pa Kaming Title”–ito ang mismong pamagat ng podcast ng celebrity barkada na binubuo ng magkapatid na Janice at Gelli de Belen, Candy Pangilinan at Carmina Villaroel.

Literally untitled man, hindi ito nawawalan ng content na magiging interesante sa mga manonood.

Tila may kanya-kanyang noment ang apat na aktres as each of them shares her unforgettable experiences.

Tamang throwback, ‘ika nga.

Sa kaso ni Candy, ang hindi raw niya malilimutang yugto ng kanyang buhay ay noong mabalitang pumanaw na siya.

The rumor got around matapos daw niyang isilang ang kanyang only child na si Quentin.

To bring her figure back, naisipan daw ni Candy na sumailalim sa cosmetic procedure: liposuction.

Pero inilihim daw ‘yon ng komedyana.

To make sure na mananatiling sikreto ang pagpapa-lipo niya, she opted to avail of the procedure mula sa isang legit na ospital.

Naalala pa ni Candy na bago raw siya saksakan ng pampatulog ay tinanong pa niya ang medical staff kung may namamatay raw ba sa lipo?

The next day, hayun na. Tinatawagan na raw siya ng programang The Buzz nina Boy Abunda at Kris Aquino.

Maging ang kaibigan daw niyang si Frances ay napasugod sa kanyang bahay at nagwawala.

Sure daw si Candy na walang ibang pinanggalingan ang tsismis kundi sa ospital.

Amiado ang komedyana na maluka-luka siya sa tsismis, “Hindi ko alam na patay na pala ako?” Ronnie Carrasco III