Canelo Alvarez, magpapataba para kay Rocky Fielding

Canelo Alvarez, magpapataba para kay Rocky Fielding

October 6, 2018 @ 1:26 PM 4 years ago


 

Los Angeles – Mas pabibigitan ng boksingerong si Canelo Alvarez ang kaniyang timbang ng hanggang 168 pounds para sa laban niya kontra Rocky Fielding sa December 15 sa Madison Square Garden sa New York.

Inanunsiyo ito ni Canelo Alvarez sa kaniyang social media account nitong Sabado (Manila time).

Nitong Setyembre, napanalunan ni Alvarez (50-1-2, 34 KOs), ang two middleweight title belts sa dikitang laban nila ni Gennady Golovkin.

Sa halip na hamunin muli sa ikatlong laban si Golovkin, nagdesisyon si Alvarez na subukan ang super middleweight sa pag-asang mapanalunan ang world title sa third weight class.

Kahaharapin ni Alvarez si Fielding (27-1, 15 KOs), English fighter na may hawak ng secondary version ng WBA title./Remate News Team