Canelo mas tinatayaan kaysa kay Golovkin

Canelo mas tinatayaan kaysa kay Golovkin

September 17, 2022 @ 11:51 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Dumarami ang mga mamumustang tumataya  kay Mexican boxing star Canelo Alvarez kumpara sa kalabang si Gennady Golovkin para sa ikatlo nilang paghaharap sa ring.

Ayon sa ulat, mas maraming manunugal ang kumpiyansang mas malakas manuntok si Canelo kahit volume punch pa ang bitiwan ni Golovkin sa  super middleweight championship fight nila  gaganapin sa Las Vegas.

Kung matatandaan, nauwi sa split decision ang unang laban. G dalawa noong  Setyembre 16, 2017, habang noong rematch sa Setyembre 2018 ay tinalo ni Alvarez si Golovkin sa pamamagitan ng majority decision.

Hawak ni Alvarez ang 57 panalo, dalawang talo, dalawan draw na mayroong 39 knockouts habang si Golovkin ay mayroong 42 panalo, isang talo, isang draw at 37 KO.

Tatanggap si Golovkin ng $20 milyon na premyo si Golovkin habang aabot naman sa $45 milyon ang premyong maibubulsa ni Alvarez.

Sa ginawang weigh-in naman kanina ay tumimbang si Golovkin ng 167.8 pounds habang 167.4 naman ang Mexican boxing star.JC