CANLAS fencing bets bida sa RFYM Series 2000

CANLAS fencing bets bida sa RFYM Series 2000

November 27, 2022 @ 3:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinangunahan nina CANLAS Fencing bets Willa Liana Galvez at Nicol Amethyst Canlas ang kani-kanilang mga event sa huling araw ng kompetisyon ng Republic Fencing’s Young Musketeers (RFYM) Series 2022 noong Sabado sa RF club sa P. Tuason, Quezon City.

Tinalo ni Galvez si Precious Sison ng Calle de Armas, 6-1, sa finals ng Under-12 women’s foil.

Ito ang unang gintong medalya para sa 11-anyos na si Galvez, isang grade 6 student ng University of the East.

Para naman kay Canlas, nanalo siya laban sa kapwa CF fencer na si Jaden Divinagracia para angkinin ang gintong medalya sa U-12 women’s sabre.

Ang nasabing event ay isang magandang paghahanda para sa CF fencers dahil higit sa 60 atleta ng club ang nakatakdang sumali sa Malaysia Minime Competition sa Disyembre 1-4 sa Kuala Lumpur.JC