Canvassing ng NBOC-Congress tapos na!

Canvassing ng NBOC-Congress tapos na!

May 25, 2022 @ 3:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Natapos na ang canvassing ng National Board of Canvassers – Congress ganap na alas 3:34 ngayong hapon.

Bagama’t may ilang ballot boxes na hindi pa dumarating at hindi na napabilang sa canvassing ay sinabi ni House Deputy Speaker Boying Remulla na hindi na nito mababago ang botong nakuha ng ngwaging kandidato s presidente at bise presidente.

Batay sa katatapos na canvassing ng NBOC- Congress ay nakakuha ng boto si presumptive president Bongbong Marcos na  31, 629,783  o  58.77 porciento ng kabuuang bilang ng boto at presumptive Vice President Sara Duterte na 32,208,417 o 61.53%.

Sa ngayon ay pansamantalang naka-recess habang iniaayos ang draft ng resulta ng naganap na canvassing.

Pagkatapos ay saka ito pagbobotohan bago ang proklamasyon. Meliza Maluntag