Canvassing ng senatorial, party-list votes muling umarangkada

Canvassing ng senatorial, party-list votes muling umarangkada

May 10, 2022 @ 2:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Muling ikinasa ng Commission on  Elections (Comelec), na nagsisislbing National Board of Canvassers (NBOC), nitong Martes ng hapon ang canvassing ng mga boto para sa mga senador at party-list posts.

Muling umarangkada ang Comelec lampas ala-1 ng hapon matapos suspendihin ang cavassing kahapon.

Habang suspendido ang canvassing, agad namang nakita sa transparency server ng poll body ang resulta ng Halalan 2022.

Bilang NBOC, ang Comelec ang mangangasiwa sa pag-canvass ng mga boto hanggang sa senatorial positions. Samantala, ang Kamara naman ang mangunguna sa canvassing ng presidential at vice-presidential votes sa Mayo 23. RNT/SA