Captain America, hindi sanay sa upgraded iPhone!

Captain America, hindi sanay sa upgraded iPhone!

July 20, 2022 @ 9:57 AM 4 weeks ago


Hollywood, USA – Kung hindi lang talaga nasira ang iPhone 6S ni Captain America o Chris Evans in real life, mukhang wala talaga siyang balak mag-upgrade ever.

Hanggang ngayon kasi, mukhang hindi pa rin maka-move on ang aktor sa old phone niya.

Mapapatunayan ito dahil sa old features na hinahanap niya na wala na sa bagong model na meron siya, ang home button.

Marami naman ang na-aliw dito at naka-relate lalo na ‘yung mga hindi makapag-upgrade ng device.

“Bakit mo mararamdamang napag-iiwanan ka na kung mismong si Captain America hindi nag-a-upgrade?” biro ng netizens.

Pero ano nga ba ang reason kung bakit ayaw ni Chris magpalit ng phone?

“I want something from before to work until it doesn’t work anymore,” saad nito.

In fairness, iba ka Chris! Paula Jonabelle Ignacio