CAR, Abra top cops kinasuhan ng NBI sa ‘Pilar vice mayor shooting’

CAR, Abra top cops kinasuhan ng NBI sa ‘Pilar vice mayor shooting’

April 29, 2022 @ 8:50 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naghain ng reklamong murder ang National Bureau of Investigation sa Department of Justice laban sa top police officials sa Cordillera Autonomous Region at Abra na may koneksyon sa insidente ng pamamaril na humantong sa pagkakapatay sa isang bodyguard ni Pilar Vice Mayor Jaja Josefina Somera Disono.

Sa ulat, inirekomenda ng NBI para sa pag-uusig si Police Brig. Gen. Ronald Lee, ang police regional director sa CAR; at Police Colonel Maly Cula, acting police provincial director sa Abra.

Kasama rin sa reklamong pagpatay sina Police Lt. Col. Melencio Mina, hepe ng provincial intelligence unit at provincial drug enforcement unit; Police Capt. Ronaldo Eslabra, hepe ng Pilar police; Comelec Officer 2 Rodrigo Base; at mga miyembro ng Pilar police at regional mobile force battalion.

“Conspiracy kasi is merong unity of acts,” ayon kay Atty. Joseph Martinez ng NBI-National Capital Region.

Dagdag nito na base sa ebidensya na nakalap ng NBI, may sinet-up aniya sila na PNP-Comelec checkpoint at pinalabas nila na ‘yung checkpoint ay lehitimo pero iba ang nakikita ng ahensya na ebidensya na kanilang nakuha.

Gayunman, sinabi ni Lee na ang anggulo ng pagsasabwatan ay alegasyon lamang ng NBI.

Inakusahan ng pulisya na pinaputukan ito ng mga guwardiya ni Disono kasama ng mga pulis matapos umanong hindi pinansin ng kanilang convoy ang checkpoint ng Comelec noong Marso.

Isa sa mga guwardiya ng bise alkalde na si Sandy Bermudo ang napatay sa umano’y shootout.

Sa findings ng NBI, nagpahiwatig na walang shootout.

Naniniwala ang mga nagrereklamo na ang mga opisyal ng pulisya sa CAR at Abra ay nagsabwatan laban sa kanila kaugnay ng Eleksyon 2022.

Ang PNP ay nagsampa ng mga reklamo noong unang bahagi ng Abril laban kay Disono, Pilar Mayor Maro Somera at kanilang mga tauhan dahil sa standoff noong Marso 29.

Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na sina Somera at Disono ay nahaharap sa reklamo dahil sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 na inamyenda ng Expanded Trafficking in Persons Act.

Sinampahan din ng reklamo ng serious disobedience to agent of a person in authority ang mga tauhan ng gobyerno ng Pilar na sina Robert Boreta Toreno, Emmanuel Nicanor Valera, at househelper ni Disono na si Jericho Toreno Bufil.

Kinasuhan din si Bufil ng attempted murder. Jocelyn Tabangcura-Domenden