Car wash sa ilog, para makatipid

Car wash sa ilog, para makatipid

August 3, 2018 @ 1:04 PM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Dahil sa kagustuhan makatipid, sinubukan ng isang Chinese na ilusong ang kaniyang mamahaling Land Rover SUV sa ilog para ito’y malinis at ‘di siya gumastos ng 20 Yuan o $3 para sa pagpapa-car wash ng kanyang sasakyan.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang tumaas ang tubig sa ilog dahil sa pagbubukas ng dam. Bago pa mapatakbo ng Chinese ang kanyang sasakyan, naabot na ng tubig ang makina nito kaya’t wala na siyang nagawa kundi umupo’t magdasal na sana’y hindi tangayin ang kanyang sasakyan, ayon sa kuwento ng Fire Services Department sa Dujiangyan.

Isang tao ang nakakita at tumawag sa Dujiangyan Fire Services Department para ma-i-rescue ang lalaki at ang kanyang sasakyan.

Nailigtas naman ang Chinese maging ang kaniyang mamahaling sasakyan mula sa rumaragasang tubig mula sa dam.

Ang kaso nga lang, agad na nag-viral sa social media ang video ng naturang insidente na umani ng mga nakakatawang komento.

“The car is absolutely clean now,” mula sa isang nag-comment.

“This is a real case: rich people are more stingy,” ayon pa sa isang netizen.

Gayunpaman, may isang netizen na pumuri sa ginawa ng lalaki at sinabing, “He didn’t just save three dollars. He saved the planet one more carwash company’s waste of energy, drinking water and pollution. I wipe off my car after a rain for the same reason. Thank him rather than making fun you planetary blights.” Remate News Team/ Intern, Nicol Francis Abuacan