Cara Gonzales, pwede sa lalake, pwede sa babae!

Cara Gonzales, pwede sa lalake, pwede sa babae!

December 9, 2021 @ 9:24 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Marami ang nagulat sa pagiging palaban sa hubaran ng newbie sexy star na si Cara Gonzales.

Sa pelikulang “Palitan” under Viva Films directed by award-winning director Brillante Mendoza ay hindi nga magdalawang-isip sa  pagpapakita ng private parts si Cara.

“Ginawa namin lahat para maging palaban,” sabi ni Cara sa mediacon sa Wingzone restaurant, Araneta City, Cubao, Quezon City.

“Sobrang na-boost ang self-confidence namin dito sa movie dahil nandiyan si Direk Brillante.

“Nawala ‘yung kaba namin dahil kay Direk. Ginabayan niya kami hanggang sa matapos ang pelikula.

“Sobrang naging all-out ako dito hindi lang sa paghubad, kundi para maipakita yung story.”

Sa pelikula, may nakapartner si Cara na lalaki, at meron ding babae. Kanino siya mas nag-enjoy na makipag-love scene, sa babae o sa lalaki?

“Both,” pagngiti muli ni Cara.

“Kasi, maayos silang katrabaho, e. At ginawa nila ‘yun professionally.”

Kasama ni Cara sa LGBTQ movie na ito sina Luis Hontiveros, Jela Cuenca, at Rash Flores. Mag-i-streaming ang Palitan simula Disyembre 10, Biyernes, sa Vivamax. Joey Sarmiento