Caraga, 6 pang lugar uulanin sa easterlies

Caraga, 6 pang lugar uulanin sa easterlies

March 21, 2022 @ 7:40 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Ang easterlies ay magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ngayong Lunes sa Caraga, Davao Region, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at katimugang bahagi ng Palawan, sinabi ng PAGASA.

Ibinabala naman ng weather bureau ang pagkakaroon ng flash flood o landslide bunsod ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Ang easterlies ay kasalukuyang nakakaapekto sa Central at Southern Luzon, gayundin sa Visayas at Mindanao.

Ang Batanes at Babuyan Islands naman ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahinang mga pag-ulan dahil sa hanging mula sa hilagang-silangan.

Para naman sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, ang mga lugar na ito ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng easterlies at localized thunderstorms. Sa panahon ng matinding bagyo, maaaring magresulta ang flash flood o landslide.

Ang mga tubig sa baybayin ay magiging bahagyang hanggang katamtaman sa buong bansa.

Ang pagsikat ng araw ay alas-6 ng umaga habang ang paglubog ng araw ay alas-6:07 ng gabi. RNT