Caraga, Davao uulanin sa easterlies

Caraga, Davao uulanin sa easterlies

May 5, 2022 @ 7:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Makaapekto ang frontal system sa extreme northern Luzon habang ang easterlies naman ay makakaapekto sa natitirang bahagi ng bansa sa Huwebes, iniulat ng PAGASA.

Ang Caraga at Davao Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng easterlies na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Batanes at Babuyan Islands naman ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa frontal system na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Sa kabilang banda, ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies / localized thunderstorms na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkulog.

Ang Hilagang Luzon ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na bilis ng hangin na kumikilos sa timog-silangan hanggang hilagang-silangan habang ang mga baybaying dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.

Ang Visayas at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa direksyong silangan hanggang timog-silangan habang ang mga baybaying dagat ay magiging mahina hanggang sa katamtaman.

Ang Mindanao ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa direksyong silangan hanggang hilagang-silangan habang ang mga baybaying dagat ay magiging mahina hanggang sa katamtaman.

Sumikat ang araw ng 5:32 a.m., lulubog ito ng 6:14 pm. RNT