Caraga, E. Visayas uulanin sa buntot ng LPA

Caraga, E. Visayas uulanin sa buntot ng LPA

January 23, 2022 @ 8:30 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Uulanin ang Caraga at Eastern Visayas bunsod ng buntot ng low pressure area (LPA) na namataan sa silangna ng Mindanao.

Sa pagtataya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) huling namataan ang LPA sa layong 1,435 kilometrong silangan ng Mindanao.

Tinatayang papasok naman ito sa Philippine Area of Responsibility bandang Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Sinabi ng PAGASA na maliit lang naman ang tsyansa ng LPA na maging bagyo pero magiging dahilan ito ng pag-ulan sa central at southern portion ng bansa.

Sa susunod na 24 oras, makapagpapaulan ang LPA sa Caraga at Eastern Visayas.

Ibinabala rin ng weather bureau ang posibleng pagbaha sa nasabing rehiyon bunsod ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan. RNT