Caraga, SOCCSKSARGEN, Davao uulanin sa ITCZ

Caraga, SOCCSKSARGEN, Davao uulanin sa ITCZ

March 26, 2022 @ 8:45 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Magdudulot ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ng maulap na kalangitan, kalat na pag-ulan at thunderstorms sa southern Mindanao habang maaapektuhan ng easterlies ang natitirang bahagi ng bansa, ayon sa ulat ng PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Caraga, SOCCSKSARGEN, at sa Davao Region na may scattered rainshowers and thunderstorms dulot ng ITCZ na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupas sakaling lumakas ang pag-ulan.

Gayundin, magiging bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng bansa na sasabayan pa ng isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa easterlies Posible ring bumaha o gumuho ang lupa sakaling makaranas ng severe thunderstorm.

Mararanasan naman sa Northern Luzon ang light to moderate wind speed mula southeast patungong variable direction habang magiging slight to moderate ang tubig sa dagat.

Makararanas naman ang natitirang bahagi ng bansa ng light to moderate wind speed mula silangan patungong northeast direction habang mananatiling slight to moderate ang tubig sa dagat.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:56 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:08 ng gabi. RNT/SA