Caramat bagong CIDG chief – PNP

Caramat bagong CIDG chief – PNP

January 9, 2023 @ 1:13 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinalaga si Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. bilang bagong direktor ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Ito ang kinumpirma ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. nitong Lunes, Enero 9.

“Director CIDG, Brigadier General Ronald Lee will be going up to Directorate for Intelligence as the deputy. So magpapalit po sila ni Brigadier General Romeo Caramat,” pahayag ni Azurin sa briefing.

Samantala, sinabi rin niya na nakakita sila ng resolusyon na pirmado ng mga heneral na sumusuporta kay Lee.

“The reason bakit merong ganoon is because, first is, ito kasing movement na ito matagal na kasi dapat. Unfortunately nga, itong si General Caramat may mga inaasikaso pa siya na mga ibang mga personal na problema,” aniya.

“On the day that the order will be issued kay General Caramat, an unfortunate incident happened to the wife of General Caramat. Nevertheless, we asked him if he is ready to take the position. Sabi naman niya, ‘Despite ‘yung nangyari nga sa misis ko, I am ready,’” dagdag pa niya.

“So we pursued with the turnover, which will happen today.” RNT/JGC