Carbon monoxide poisoning sa Rizal, iimbestigahan ng DOH

Carbon monoxide poisoning sa Rizal, iimbestigahan ng DOH

November 15, 2020 @ 12:09 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan na ng Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang umanoy insidente  o kaso ng carbon monoxide poisoning sa Rizal.

Ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo , nakatanggap sila ng ulat na ito ay dahil sa paggamit ng generators sets habang walang suplay ng kuryente sa kanilang lugar matapos manalasa ang bagyong Ulysess.

Nabatid na anim ang kaso  ng pagkalason kung saan tatlo ang namatay  mula sa Rodriquez ,Rizal.

Ang lahat  ay mga miyembro ng pamilya kabilang ang katulong na itinakbo sa kalapit na ospital.

“We have received reports of six cases of carbon monoxide poisoning with three deaths from Rodriquez, Rizal. All are members of a family, including the house helper, who unfortunately suffered and was brought to the nearest health facility. They were exposed to fumes from their portable generator,” ayon kay Janairo.

Sinabi ni Janairo na ipinadala na ang kanilang team ng  regional epidemiology unit para iberipika ang insidente.

“For owners and operators of portable generator sets, make sure that they are placed safely outside and not in a confined area,” paalala pa nito.

Una nang naglabas ng babala ang DOH na huwag gumamit ng generators sets s aloob ng bahay o saradong espasyo dahil maari itong makapagdulot ng carbon monoxide poisoning  na maaring ikamatay o makaranas ng pangmatagalang karamdaman. Jocelyn Tabangcura-Domenden