Cardinal Rosales naospital!

Cardinal Rosales naospital!

January 13, 2023 @ 10:26 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Iniulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nasa ospital at nasa stable na kondisyon na si Manila archbishop emeritus Cardinal Gaudencio Rosales.

Sa CBCP news website, ipinakita ni Fr. Reginald Malicdem, spokesperson of the Archdiocese of Manila ang ilang larawan ng cardinal na nasa hindi binanggit na ospital sa Metro Manila.

“I visited Cardinal Dency the other day. According to doctors, his condition is stable. He just needs to stay in the hospital for a few more days for monitoring. We continue to pray for him,” dagdag ni Malicdem, na nagtrabaho bilang dating private secretary ni Rosales.

Idinagdag nito na ginawa ni Malicdem ang pahayag matapos kumalat ang mga post sa social media na nananawagan ng panalangin para sa kalusugan ng 90-anyos na cardinal.

Nasa ospital umano ang dating arsobispo ng Maynila mula noong Enero 6.

Bagsilbi si Rosales sa archdiocese mula 2003 hanggang sa kanyang pagretiro noong 2011. Jocelyn Tabangcura-Domenden